Magkasunod na pagpatay kina Mayor Halili at Mayor Bote kinondena ng Malacañan

Nakikiisa ang Malacañan sa pagkondena sa pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili, General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote at iba pang uri ng patayan.

Sinabi ni Special Assistant to the President Bong Go na hindi kinokonsinti ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga walang kapararakang patayan at iba pang paglabag sa karapatang pantao.

Nangako rin si Go na magsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pamahalaan sa mga kaso ng pagpatay para mabigyang hustisya ang mga napapaslang.

Tiniyak pa ni Go na mananagot sa batas ang mga suspek.

Read more...