Matapos ang rambol sa pagitan ng Gilas Pilipinas at Australia sa Philippine Arena sa Bulacan, hinimok ngayon ng Palasyo ng Malacañan ang publiko na pairalin ang sportsmanship.
Ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, pagbubuklod-buklod ang dapat makamit ng anumang lahi at kultura ang makamit sa paglalaro ng basketball at hindi away o hidwaan.
Sinabi ni Go, na isa ring basketball enthusiast, na dapat laging pairalin ang “sportsmanship” at paggalang sa kapwa manlalaro o katunggali sa alinmang sports.
Iginiit ni Go na gaano man nakakasakit o nakakainit ng ulo ang narinig mula sa mga kalabang koponan, ay hindi dapat maging opsyon ang rambol o pakikipagsakitan.
May ibang paraan naman aniya para masolusyunan ang sitwasyon at dapat ay pairalin ang puso ng tunay na atletang Pilipino.