Inaresto si dating Malaysian prime minister Datuk Seri Najib Tun Razak.
Si Najib ay inaresto sa bahay nito sa Langgak Duta alas 3:00 Martes ng hapon.
Kinumpirma ng Malaysia Anti-Corruption Commission (MACC) ang pag-aresto sa dating prime minister.
Ayon sa ulat, dinala si Najib sa headquarters ng komisyon.
Ang pag-aresto kay Najib ay kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y katiwalian na kinasangkutan nito.
Partikular kung paano umano nawala ang pera nito mula sa state fund.
Nahaharap si Najib sa reklamong embezzlement at bribery at nakatakda itong kasuhan sa Miyerkules.
MOST READ
LATEST STORIES