Sa paunang imbestigasyon ng Philippine National Police, sinabi ni PNP Region 3 Director CSupt. Amador Corpuz na nangyari ang pananambang kaninang 5:30 ng hapon.
Galing umano ang alkalde sa tanggapan ng National Irrigation Administration sa Cabanatuan City at paglabas nito sa gate ay kaagad na niratrat ng nag-iisang suspek ang nasabing sasakyan.
Naitakbo pa sa kalapit na Gallego Hospital ang nasabing alkalde kung saan siya’y idineklarang dead-on-arrival.
Sinabi ni Corpuz na sugatan rin sa pananambang ang driver-bodyguard ni Bote.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon sa lugar ng krimen ang mga tauhan ng PNP.
Nangyari ang pagpatay kay Mayor Bote isang araw makaraang patayin si Tanauan City Mayor Antonio Halili habang na kalagitnaan ng flag raising ceremony sa kanilang city hall.