kahapon kay Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili.
Kasunod ito ng ilang mga kaso ng pagpatay sa mga nakalipas na araw.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, walang pakundangan ang ginawang pagbaril kay Halili sa harapan mismo ng publiko.
Tumanggi naman si Roque na magkomento kung may nagaganap na culture of impunity sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pagtitiyak ni Roque, tinutupad ng estado ang obligasyon nito na bigyang hustisya ang bawat kaso ng pagpatay, imbestigahan at litisin ang mga taong nasa likod ng krimen.
Umapela rin si Roque sa publiko na iwasan na muna ang magbigay ng mga haka-haka kaugnay sa pamamaril kay Halili ng isang sniper.
Ayon kay Roque, mas makabubuti na hinatayin na munang tapusin ang ginagawang imbestigasyon ng mga kinauukulan.
“Yes we share the alarm and that’s why we have promised that we will leave no stones unturned in the investigation”, dagdag pa ng opisyal.