P1 provisional increase sa pasahe sa jeep, posibleng ilabas ng LTFRB

Inquirer file photo

Wala pa rin binabang desisyon ang LTFRB hinggil sa P2 fare increase sa pampublikong jeepney na inaapila ng limang transport group sa LTFRB.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, hinihingan muna nila ng memorandum ang limang transport group na ACTO, LTOP, FEJODAP, PASANG MASDA AT LTODAP sa loob ng 10 araw.

Ayon kay Efren de Luna ng ACTO, ang memorandum na hinihingi ng LTFRB ay nagsasaad ng tinaas ng presyo ng diesel na isa sa dahilan ng fare increase.

Pero ayon kay Chairman Delgra habang hinihintay ang memorandum ng transport group magsasagawa ng special meeting ang board ng LTFRB para naman pag usapan ang provisional increase na piso o gawing 9 pesos mula sa 8 pesos ang pamasahe.

Sa petisyon ng grupo, hinihiling nila na gawing sampung piso mula sa walong piso ang pamasahe sa jeepney kada apat na kilometro, habang hindi na sila humiling na dagdag sa pasahe sa susunod na kilometro.

 

Lumiit ang kita ng mga tsuper dahil sa mataas na presyo ng diesel, umiiral na excise tax at TRAIN law at dahil sa traffic.

Read more...