4 drug pushers, timbog sa buy-bust sa QC

Inquirer file photo

Arestado ang apat na hinihinalang drug pusher sa ikinasang buy-bust operation sa Cubao, Quezon City.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), nakilala ang mga suspek na sina Jojo Duaso, 43-anyos, Winnealyn Cepe, 31-anyos, Foilan Dometita, 32-anyos, at Nicather Fredo, 32-anyos.

Nahuli ang mga suspek sa loob ng isang apartelle sa bahagi ng Imperial Street sa Barangay E. Rodriguez, araw ng Lunes.

Nakuha ng mga otoridad mula sa mga suspek ang 41 pakete ng hinihinalang shabu, P500 marked money na ginamit sa operasyon, aluminum foil at dalawang lighter.

Mahaharapan naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...