Duterte Cabinet, magbibigay na ng SONA sa July 6

Inquirer file photo

Isang forum ang ikinakasa ng Presidential Communicaitons Operations Office (PCOO) at cabinet clusters ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine International Convention Center sa July 6 o bago ang State of the Nation Address (SONA) sa July 23.

Ito ay para ipatikim na at ibida sa publiko ang mga naging accomplishment ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presdiential Spokesman Harry Roque, may pamagat ang naturang forum na “tatak ng pagbabago.”

Pangungunahan ng anim na cabinet clusters ng pangulo ang pagsasagawa ng forum.

Unang itatampok sa Hulyo 6 ay ang tatak ng pag-unlad na pangangasiwaan nina Secretery Carlos Dominguez at DPWH Secretary Mark Villar para sa usapin ng economic and infrastructure cluster.

Susundan ito ng tatak ng malasakit sa Hulyo 11 na pangangasiwaan nina DILG OIC Eduardo Año at DSWD Acting Secretary Virginia Orogo.

 

Ikatlong forum ay ang tatak ng katatagan na pangungunahan nina Secretary Roy Cimatu ng DENR at Defense Secretary Delfin Lorenzana ng resiliency cluster.

Read more...