Mismong sa Palasyo ng Malakanyang gaganapin ang pinakakaabangang pag-uusap nina Pangulong Rodrigo Duterte at Catholic Bishops Conference of the Philippines President at Davao Archbishop Romulo Valles.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque gaganapin ang pagpupulong sa Lunes, July 9.
Positibo naman si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakasundo sila ni Archbishop Valles.
Sa talumpati ng pangulo Lunes ng gabi, sinabi niya na tubong Bohol si Archbishop Valles at kapareho niyang palabiro at madalas magpatawa.
Matatandaang nagkaroon ng palitan ng maanghang na salita ang pangulo at ilang kagawad ng simbahang katolika nang sabihin ng punong ehekutibo na estupido ang panginoon.
MOST READ
LATEST STORIES