Bali volcano, nag-alburoto

AP photo

Nagbuga ang Mount Agung volcano ng may taas na 2,000 metrong abo at lava sa Bali, Indonesia.

Ayon sa Agung monitoring post, naganap ang explosion dakong 9:00 ng gabi at tumagal ng pitong minuto.

Anila, umabot ang “flares of incandescent lava” sa layong dalawang kilometro mula sa crater nito.

Dahil dito, nagkaroon ng sunog sa gubat ng bulkan.

Gayunman, sinabi ng ahensiya na hindi naman kakailanganing itaas ang alert level ng bulkan matapos ang pag-aalburoto.

Ayon naman sa National Disaster Mitigation Agency, tuloy pa rin ang operasyon ng paliparan sa Katimugang bahagi ng Bali.

Read more...