Final draft ng Federal Constitution inaprubahan ng ConCom

Inquirer file photo

Aprubado na ng Consultative Committee (Con-com) ang final draft ng panukalang federal constitution, araw ng Martes.

Inaprubahan ng Con-com ang final draft matapos aprubahan ito ni dating Senate President Nene Pimentel.

Pinirmahan na ng mga 22-member panel ang mga dokumento matapos ang isinagawang culmination sa loob ng apat na buwan.

Ayon kay Con-com spokesperson Ding Generoso, inaasahan nilang maisusumite ang aprubadong final draft kay Pangulong Rodrigo Duterte bago ang July 9, 2018.

Read more...