NAIA Taxi Driver ,nagbalik ng P150K sa isang pasahero

NAIA Photo

Ibinalik ng driver ng isang accredited taxi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pouch na naglalaman ng Php150,000 na naiwan pasahero sa kanyang taxi.

Nakilala ang taxi driver na si Romnick Espiritu ng Peoples Network Transport (PNT) at ang may-ari ng pouch na si Belen Zoza Swegler, 66 taong gulang, isang US Citizen na kadarating lamang sa bansa kahapon Lunes (July 2).

Sumakay si Swegler sa taxi ni Espiritu mula sa NAIA Terminal 2 patungong Newport sa Pasay City.

Nang makarating sa Newport si Swegler, tiningnan niya ang kanyang mga gamit at nalaman nitong nawawala ang kanyang itim na pouch na naglalaman ng Php50,000.00, 2,000.00 USD, mga credit card, mga ID at Iphone 8 agad itong
bumalik sa NAIA 2 at nagpatulong sa Terminal 2 Police office para maibalik ang nasabing pouch.

Habang pabalik naman si Espiritu sa NAIA Terminal 2 nakita niya ang black pouch sa kanyang taxi.

Nagkita sina Swegler at Espiritu sa Terminal 2 at naibalik ang black pouch.

Nagpasalamat naman ang US citizen sa driver ng taxi at sa Terminal 2 police para sa tulong.

Sumakay ulit si Swegler pabalik sa Newport City sa taxi ni Espiritu.

Ipinagmamalaki naman ni MIAA GM Ed Monreal ang mga katulad ni Romnick Espiritu na kabilang sa NAIA accredited taxi drivers.

“Ako ay nagagalak sa katapatan ni Mr. Espiritu. Sana manatili siyang tapat sa kanyang trabaho at maging tunay na ehemplo ng kabutihan sa mga kapwa niya transport drivers. Ang mga maliliit na kabayanihang tulad ng kanyang ginawa ay malaking tulong sa ating efforts na mapaganda ang imahe ng NAIA sa mundo.” – ayon kay GM Monreal.

Read more...