Disciplinary hearing sa rambol FIBA World Cup qualifying game inumpisahan na

Sinimulan na ng pamunuan ng Basketball World Cup ang disciplinary hearing sa naganap na gulo sa laban ng Australia at ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup qualifying game sa Philippine Arena sa Bocaue Bulacan Lunes ng gabi.

Nasa 3rd quarter ang nasabing laban nang mangyari ang rambulan na kinasasangkutan ng mga manlalaro ng magkabilang koponan.

Labin-tatlong manlalaro ang pinatalsik sa laban kasunod na naturang gulo.

Matapos ang suntukan, ipinagpatuloy ang laro kahit tatlong player lamang ang naiwan mula sa Gilas na nauwi sa panalo ng Australia sa score na 89-53.

Kabilang sa nasangkot sa gulo ang forward na si Thon Maker at si Andray Blatche ng Gilas na kitang-kita sa video.

Samantala, humingi na ng paumanhin si Anthony Moore, chief executive ng Australian Basketball.

Sa kanyang statement, sinabi ni Moore na hindi ito ang diwa ng palaro na kanilang inaasahan.

Aniya, “this is not the spirit in which sport should be played and certainly not in the spirit in which we aim to play basketball.”

Inihayag naman ng FIBA na ilalabas nila ang desisyon sa mga susunod na araw.

Read more...