Mexican president-elect, pinasalamatan si Trump

AP Photo

Nagpasalamat si Mexican president-elect Andres Manuel Lopez Obrador kay US President Donald Trump para sa pagbati nito sa kanyang tagumpay sa eleksyon.

Ayon kay Lopez Obrador ay kanyang kakausapin si Trump para magkaroon ng “understanding” o pagkakaunawaan dito.

Dagdag pa niya na gusto na nila na manatili ang umiiral na “mutual respect” ng gobyerno ng US sa Mexico.

Ang naging tweet ni Trump aniya ay pagpapakita ng pagrespeto.

Isang landslide victory ang pagkapanalo ni Lopez Obrador sa pagkapangulo.

Read more...