Hanging Habagat, makakaapekto sa ilang bahagi ng bansa

Makakaapekto ang Hanging Habagat sa Kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.

Ayon sa PAGASA, makakaranas ang Palawan at Kanlurang Visayas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap na papawirin na may paminsan-minsang pag-ulan.

Dahil dito maaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na kung minsan ay malakas.

Read more...