Pangunahing mambabatas na kritiko ng pangulo, pabor sa kundisyon ng pamahalaan sa usaping pangkapayapaan

Suportado ng pangunahing mambabatas na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga inilatag nitong kundisyon upang maipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF).

Sa isang pahayag, sinabi ni Magdalo Representative Gary Alejano na naniniwala siyang sa pamamagitan lamang ng peace talks matatamasa ng buong bansa ang tunay na kapayapaan.

Aniya, hindi sapat ang pwersa ng mulitar upang mawakasan ang insurgency na nagaganap sa bansa.

Dagdag pa ng mambabatas, suportado niya ang mga kundisyon ng pangulo upang ipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan kasama ang CPP-NPA-NDF kabilang na ang paghinto sa mga pag-atake sa kanayunan at pagsunog sa mga ari-arian, pagtigil sa pangongolekta ng revolutionary taxes, pagtigil sa recruitment, at pananatili sa mga designated areas upang makaiwas sa mga engkwentro sa militar.

Samantala, ikinalungkot naman ni Alejano ang muling pagkakabalam ng peace talks. Aniya, kailangan nang masolusyunan ng pamahalaan ang deka-dekadang insurgency para sa ikapapayapa ng buong bansa.

Read more...