Jun Lana, inereklamo ang pagpirata sa kanyang mga pelikula

Inireklamo ng filmmaker na si Jun Robles Lana ang pagpirata sa kanyang dalawang pelikula na “Mga Kuwentong Barbero” at “Anino sa Likod ng Buwan”.

Ayon kay Lana ay pinuntirya ng mga namirata ang “screeners” na kanyang isinumite sa Gawad Urian.

Binigyang diin ni Lana na ang pamimirata ay isang krimen.

Aniya, isa itong seryosong isyu na dapat pagtuunan ng pansin ng industriya.

Dagdag pa ni Lana na dapat maging mapagmaytag ang Urian na ang “screeners” ay malapit o madaling mapirata.

Kasunod nito ay aaksiyunan na pamununaan ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang naturang isyu.

Read more...