Sa abiso ng mga oil companies, madaragdagan ng P0.55 ang presyo ng kada litro ng diesel, P0.65 sa bawat litro ng gasolina, at P0.70 naman sa kada litro ng kerosene o gaas.
Kabilang sa mga nag-anunsyo ng dagdag-singil ang mga kumpanyang Caltex, Flying V, Jetti, Petro Gazz, Petron, Phoenix Petroleum, PTT, Shell, at Unioil.
Epektibo ang naturang pagtataas sa halaga ng mga produktong petrolyo mamayang alas-6 ng umaga.
Dahil pa rin sa malikot na galaw ng krudo sa pandaigdigang merkado ang dagdag-singil sa presyo ng mga produktong petrolyo.
MOST READ
LATEST STORIES