Abogado, patay sa pamamaril sa Cebu

Nasawi ang isang abogado, habang kritikal naman ang kundisyon ng kanyang asawa matapos pagbabarilin sa labas mismo ng kanilang bahay sa Barangay Guadalupe, Cebu City.

Kinilala ang abogado na si Salvador Solima na nagtamo ng tama ng bala sa ulo, habang ang kanya namang asawa na si Verosa ay kasalukuyang ginagamot sa ospital matapos tamaan rin ng bala sa ulo.

Ayon kay SPO3 Rommel Bancog ng Cebu City Police Office homicide section, dalawang hindi pa nakikilalang mga salarin ang nasa likod ng pamamaril.

Ani Bancog, patuloy pa ang kanilang imbestigasyon tungkol sa insidente, partikular ang pagkakakilanlan ng mga suspek, maging ang motibo sa pamamaslang.

Read more...