Nawawalang soccer team sa Thailand, ligtas na nahanap

courtesy of AP

Nahanap ng ligtas ang nawawalang 12 batang miyembro ng isang soccer team at ang kanilang coach sa isang kweba sa Thailand matapos ang mahigit isang linggong pagkawala.

Ayon kay Chiang Rai Provincial Governor Narongsak Osatanakorn, ay maingat na inililigtas ang mga ito.

Aniya, ligtas ang mga itong nakita pero hindi pa tapos ang rescue operation.

Nawala ang naturang grupo nang ma-trap ang mga ito sa baha matapos pumasok sa Tham Luang Nang Non cave noong June 23.

Bukod dito, nagsidatingan din sa lugar ng insidente ang ibat ibang mga ekperto pagdating sa mga cave rescues.

Kabilang na dito ang grupong galing sa Australia, U.S. military team, British cave experts at Chinese lifesaving responders at ibang mga volunteer groups mula sa ibat-ibang mga bansa.

Read more...