Binanggit ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio ang pahayag ng pangulo sa kanyang talumpati sa Bohol kaugnay ng pagpapalit sa mga incumbent mayor sa pamamagitan ng iligal na paraan.
Ayon kay Tinio, pwedeng may kinalaman si Pangulong Duterte dahil sa biro nitong pag-engganyo sa mga vice mayor sa naturang talumpati sa Bohol na palitan ang kanilang mga mayor sa iligal na hakbang.
Pinunto ng kongresista na kung si Duterte na siyang pinaka-mataas na opisyal sa pamahalaan at nagbiro siya ng ganoon ay lumilikha ng climate of impunity o kawalan ng kaparusahan.
Samantala, pareho ang obserbasyon ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na nagsabing bagaman iniimbestihan pa ang pagpapatay kay Halili, may pahiwatig na may kaugnayan ito sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Nakakaalarma anya na ang pagpatay ay nangyari matapos na pabirong himukin ng pangulo ang mga bise alkalde sa Bohol na palitan ang kanilang mga Mayor sa iligal na paraan.
Matatandaan sa kanyang speech noong June 28, pabirong sinabihan ni Duterte ang mga vice mayors na pwede nilang palitan ang kanilang mga mayor sa pamamagitan ng kidnapping o kulam.