Ito ay kaugnay sa sabay-sabay na road works at pagsasa-ayos ng ilang mga tulay sa metro manila.
Kabilang sa mga ito ang North Luzon Expressway (NLEX) Drainage Enhancement Project sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue na nagsimula na kahapon, July 1.
Tatagal ng 80 araw ang nasabing proyekto na makaka-apekto sa mga sasakyan na magmumula sa NLEX paakyar sa Southbound lane ng Balintawak Cloverleaf.
Sa kanilang advisory, pinayuhan ng MMDA ang mga apektadong sasakyan na dumaan sa Smart Connect Interchange na tutumbok sa Mindanao Avenue patungo sa destinasyon.
Ang mga sasakyan naman na papunta sa Monumento ay pinapayuhang kumaliwa sa Biglang Awa Street hanggang sa Jasmine Street diretso sa A. Bonifacio Avenue.
Kasabay nito ay ongoing rin ang pagtatayo ng MRT 7 na siya namang makaka-epekto sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.
Sa mga susunod na araw ay sisimulan na rin ang rehabilitasyon ng Buendia Bridge samantalang nagpapatuloy naman ang repair ng Otis Bridge sa Maynila na kamakailan lamang at kinakitaan ng bitak.