NBI pasok na rin sa imbestigasyon sa pagpatay kay Mayor Halili

Inquirer file photo

Ipinag-utos na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang pagbuo ng isang team ng National Bureau of Investigation na magsasagwa ng parallel investigation kaugnay sa pagpatay kay Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili.

Bagaman ang Philippine National Police (PNP) pa rin ang siyang lead investigating body, sinabi ni Guevarra na malaking tulong din ang maibibigay ng gagawing imbestigasyon ng NBI.

Kanina ay isang task group na rin ang binuo ng PNP para imbestigahan ang nasabing pamamaslang.

Magugunitang napatay sa pamamagitan ng isang sniper shot sa dibdib si Halili habang ginaganap ang flag raising ceremony sa compound ng ng Tanauan City Hall.

Sinasabi sa paunang mga ulat na pumuwesto ang salarin sa masukal na bahagi ng bakanteng lote na ilang metro lamang ang layo mula sa kinatatayuan ni Halili.

Lumilitaw rin sa mga paunang pagsisiyasat na isang bala ng M14 rifle ang kumitil sa buhay ng nasabing alkalde na nakilala sa kanyang shame campaign sa mga nahuhuling kriminal sa kanyang nasasakupang lugar.

Read more...