Ayon kay Chief Superintendent Edward Carranza, Calabarzon regional director, lahat ng anggulo ay pinag-aaralan na ng mga pulis kabilang ang pulitika, personal, at iba pa.
Patuloy pa din ang pagkalap ng ebidensya ng Scene of the Crime Operatives sa lugar kung saan naganap ang pamamaril.
Ani Carranza natukoy naman ng mga imbestigador sa kaso na ang gunman ay maaring nagmula at nmangtago sa isang masukal na bahagi sa kanan ng City Hall.
Mayroon kasing isang lugar doon ang maraming damo na maaring pinagtaguan ng suspek.
Sa hiwalay na pahayag sinabi naman ni Tanauan Police Chief Superintendent Renato Mercado na maaring nasa 150 meters ang layo ng gunman kay Halili.