Ang leftist na si Andres Manuel Lopez Obrador ang nagwagi bilang bagong presidente ng Mexico base sa resulta ng official quick count.
Nakuha ni Lopez Obrador ang mahigit 50 percent ng boto dahilan para talunin niya ang kaniyang mga kalaban kabilang na si Ruling party candidate Jose Antonio Meade.
Kapwa nag-concede naman na sina Meade at si opposition candidate Ricardo Anaya at ipinahatid ang pagbati kay Lopez Obrador.
Maging si outgoing Mexican President Enrique Pena Nieto ay binati na rin si Lopez Obrador sa pagkapanalo nito.
Matapos ang pagkapanalo, nanawalan si Lopez Obrador ng pagkakaisa para sa Mexico.
MOST READ
LATEST STORIES