LOOK: Larawan ng kaniyang baby ibinahagi ni JC De Vera

Ibinahagi ni Kapamilya star JC De Vera ang unang larawan ng kaniyang anak sa social media.

Gamit ang kaniyang Instagram account, ipinost ni JC ang litrato ng anak na si Lana Athena at may caption na, “My strength, My happiness, My Inspiration. My motivation, My Love, My Life.”

Kuha ang naturang litrato sa isinagawang binyag ng dalawang buwang gulang na anak.

Sa ngayon, parte si JC ng ilang ABS-CBN shows tulad ng “Since I Found You,” “Banana Sundae,” at sa nakatakdang proyekto kasama si Angel Locsin na “The General’s Daughter.”

Read more...