Korean actor Lee Dong-wook at singer-turned actress Suzy, break na

Tinapos na nina Korean actor Lee Dong-wook at singer-turned actress Suzy ang kailang relasyon.

Apat na buwan pa lamang ang nakalilipas mula nang kumpirmahin ng dalawa sa publiko na sila ay magka-relasyon.

Ang ahensya na humahawak sa career ng dalawa ang nagkumpirma ng hiwalayan at ang busy nilang schedule ang binanggit na dahilan.

Noong Marso nang ilantad sa publiko ang relasyon ng 37 anyos na si Lee at 24 anyos na si Suzy.

Nagsimulang mag-date ang dalawa matapos magkita sa isang event.

Si Lee ay nagsimula bilang aktor noong 1999 at naging tanyag sa TV Series na My Girl noong 2005.

Si Suzy naman ay dating miyembro ng K-pop girl group na Miss A noong 2010 bago pasukin ang pag-aartista sa high school drama na Dream High noong 2011.

 

Read more...