NPA member patay sa sagupaan sa Masbate

Patay ang isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) makaraang makasagupa ang mga sundalo sa lalawigan ng Masbate.

Naganap ang insidente sa Barangay San Carlos sa bayan ng Milagros, Linggo ng gabi.

Ayon kay Capt. Joash Pramis, tagapagsalita ng 9th Infantry Division (9ID) ng Philippine Army, ang nasawing rebelde ay kasama ng apat na iba pang natyempuhan ng mga nagpapatrulyang sundalo.

Tumagal ng limang minuto ang bakbakan sa pagitan ng magkabilang grupo.

Maliban sa katawan ng hindi pa nakikilang rebelde, narekober din ng mga sundalo ang isang shotgun.

 

Read more...