LOOK: Cancelled flights ngayong araw ng Lunes, July 2

Kanselado na ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport ngayong araw dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) nagkansela ng biyahe ang CebGo dahil sa nararanasang masamang panahon sa bahagi ng Batanes.

Partikular na kinansela ang flights DG 6009/6010 Manila – Basco – Manila.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan ng direkta sa naturang airline company.

Maari kasi silang magparebook ng flight o di kaya ay humingi ng refund.

 

Read more...