Negosyante sugatan sa pananambang sa Kalinga

Nasugatan ang isang babaeng negosyante matapos itong tambangan sa harapan ng isang banko sa lalawigan ng Kalinga.

Naganap ang pananambang sa biktimang si Josephine Vargas-Javier, Linggo ng gabi sa Barangay Dagupan Centro sa Tabuk City.

Bigla na lamang umanong binaril ng lalaking sakay ng motorsiklo ang biktima at nagtamo ito ng tama ng bala sa balikat.

Base sa ulat ng Tabuk City Police, nakatayo sa harapan ng banko si Javier at katatapos lang isara ang kaniyang tindahan nang siya ay pagbabarilin.

Limang basyo ng bala ng caliber 45 ang natagpuan sa crime scene.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang insidente.

 

Read more...