Negros Occidental niyanig ng magnitude 3.9 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang bayan ng Sipalay sa Negros Occidental.

Naitala ang lindol sa 31 kilometers North ng Sipalay, alas 7:06 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at 18 kilometers ang lalim.

Dahil sa nasabing pagyanig naitala ang intensity I sa San Jose, Antique.

Samantala, makalipas ang ilang minuto, naitala naman ng Phivolcs ang magnitud 3.8 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental.

Naganap ang lindol alas 7:23 ng umaga sa 91 kilometers East ng Sarangani.

30 kilometers naman ang lalim ng lindol at tectonic din ang origin.

Kapwa naman hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang dalawang pagyanig.

 

Read more...