Lalo pang humina ang bagyong Lando na mayroon na lamang taglay na hangin na aabot sa 65 kph at pagbugso na 80 kph.
Batay sa 11pm bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 90 km kanluran ng Calayan, Cagayan.
Inaasahang kikilos ito patungong hilagang-silangan sa bilis na 6 kph.
Bagaman lalo pa itong humina, nakataas pa rin ang public storm warning signal no. 2 sa Batanes, Northern Cagayan, Calayan, at Babuyan group of Islands.
Signal no. 1 naman sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Apayao, Kalinga at natitirang bahagi ng Cagayan.
Makakaranas naman ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang mga lugar na sakop ng 500 km diameter ng bagyo.
MOST READ
LATEST STORIES