Para kay Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison tanging himala na lang ang makapagsasalba sa usapang pangkapayapaan.
Sa panayam kay Sison sinabi nitong ikokonsidera lang muli nila ang pagbabalik sa negotiating table kapag ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sumusunod na kondisyon:
Pagbawi sa Proclamation No. 360 na nagte-terminate sa peace talks; pagbawi rin sa Proclamation No. 374, na nagdedeklara sa CPP at armed wing nito na New People’s Army (NPA), bilang terrorist organizations at pagrespeto sa lahat ng napagkasunduan sa peace talks simula 1992.
Pero ani Sison, parang kakailanganin ng himala para mangyari ang mga ito.
Hindi naman nagbigay reaksyon si Sison sa pahayag ng mga opisyal ng pamahalaan na mas mabuting isulong ang peace talks nang hindi siya kasama.
Kabilang sa nanawagan para alisin si Sison sa negosasyon ay si Sen. Panfilo Lacson. Ayon sa senador mas maiging gawing localized lang ang negosasyon dahil ang problema naman sa CPP-NPA ay depende sa mga lalawigan.