Kennon Rd., sarado pa rin sa mga motorista

Sarado pa rin sa daloy ng traffic ang Kennon Road.

Sa abiso ng Department of Public Works and Highways – Cordillera Administrative Region, hindi pa rin madaraanan ng mga patungo at galing ng Baguio City ang nasabing lansangan.

Ito ay dahil sa nararanasan pa ring mga insidente ng landslide at rockslide sa bahagi ng Kenon Road.

Pinakahuling insidente ay naganap Linggo ng hapon sa bahagi ng Acop-Kapangan-Kibungan-Bakun Road kung saan nakapagtala ng landslide.

Ayon naman sa DPWH, lahat naman ng iba pang daan patungo ng Baguio City ay maaring magamit ng mga motorista.

 

Read more...