Catanduanes niyanig ng lindol

Naitala ang magnitude 3.1 na lindol sa Catanduanes kaninang alas-12:29 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 59 kilometro Kanluran ng bayan ng Pandan.

May lalim ang pagyanig na isang kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa ari-arian at mga kasunod pang pagyanig.

Read more...