4 arestado sa buy bust operation sa Quezon City

Arestado ang apat na kalalakihan sa ikinasang drug buy bust operation ng mga pulis sa Barangay Payatas, Quezon City.

Nakilala ang mga drug suspek na sina Brenmar Banig, 24 na taong gulang; Florencio Asadon, 54 na taong gulang; Armando Tañola, 56 na taong gulang; at Edwin Valerio, 36 na taong gulang.

Ayon sa mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) Station 6, narekober mula sa mga suspek ang anim na sachet ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia, at buy bust money.

Mahaharap ang apat sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa ngayon ay nakakulong na ang mga suspek sa detention facility ng QCPD Station 6 at mahaharap sa inquest proceeding ngayon araw.

Read more...