6 arestado sa buy bust operation sa Quezon City

Anim katao ang arestado, kabilang ang isang babae sa ikinasang buy bust operation sa Barangay Baesa, Quezon City.

Nakilala ang mga drug suspek na sina Jhon Almar Alonzo, 21 taong gulang; Bryan Cruz, 32 taong gulang; Jerry Buan, 39 na taong gulang; Vidiamor Morales, 54 na taong gulang; John Cristian Brasas, 27 toang gulang; at Princess Tariga, 22 taong gulang.

Ayon sa mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD) Station 2, nagkasa sila ng operasyon sa loob ng bahay ni Alonzo matapos makatanggap ng ulat tungkol sa pagkakasangkot nito sa kalakaran ng iligal na droga.

Pagdating sa bahay ng suspek ay doon naabutan ng mga pulis ang limang iba pang mga suspek.

Narekober mula sa mga ito ang anim na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang digital weighing scale, at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...