Relasyon ng AFP at PNP nananatiling maayos sa kabila ng Samar mis-encounter

Iginiit ng Philippine Army 8th Infantry Division na nananatiling maayos ang relasyon ng Sandatahang Lakas at ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay sa kabila ng mis-encounter na naganap sa pagitan ng dalawang hanay noong June 25 sa Sta. Rita, Samar na nagresulta sa pagkakasawi ng anim na pulis.

Sa isang pahayag, sinabi ni 8th Infantry Division na sa loob ng maraming taon, napatunayan na ang kakayahan at pagtutulungan ng dalawang hanay lalo na sa pagbibigay seguridad at paglaban sa terorismo sa bansa.

“For years, the capability and interoperability of both were proven, primarily in addressing local insurgency, secessionism, and threats of terrorism. The two had been conducting joint operations in the fight against internal threats and national crimes to promote better and peaceful community,” ayon sa 8th ID.

Pinakamaganda anila na testimonya ng pagkakaisa ng AFP at PNP ay bisig sa bisig na pagtutulungan nito para mapalaya ang Marawi City sa kamay ng mga terorista.

Para kay 8th ID commander Maj. Gen. Raul M. Farnacio, umaasa siyang mananatili ang kumpyansa at tiwala ng mga mamamayan sa AFP at PNP sa kabila ng naganap na insidente sa Samar.

Iginiit ni Farnacio na mayroon ilang mga bagay lamang talaga na nangyayari at hindi kontrolado nang sinuman.

Ipinarating din niya ang pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi sa mis-encounter.

Positibo naman ang AFP na mareresolba ang sitwasyon sa lalong madaling panahon upang maipagpatuloy ng pwersa nito ang pagtugon sa ilan pang mas mahahalagang bagay na higit na kapaki-pakinabang sa inters ng pamahalaan at ng bansa.

“The AFP in general, remains optimistic that the situation will be resolved immediately so that they can continue working and focus on matters that are more essential to the interest of the government and the country,” ani Farnacio.

Read more...