6 katao, sugatan sa banggaan sa Quezon

Sugatan ang anim na katao matapos magkabanggaan sa bahagi ng Maharlika Highway sa Sariaya, Quezon.

Ayon sa pulisya, sumalpok ang isang Mitsubishi Montero sakay ang anim na pasahero sa Leyte Biliran Star bus bandang 12:10 ng hapon.

Nasa magkaibang lane ang dalawang sasakyan nang mangyari ang banggaan sa Barangay Concepcion 1.

Ayon sa pulisya, mag-oovertake ang bus driver na si Ernesto Malallos kung kaya’t nabangga ang Montero.

Nakilala ang mga sugatan na sina Blesilda Griarte, Emil Griarte, Michell Hermida, Michaela Louise Hermida, Rosel Hermida pati ang drayber ng sasakyan na si Salvador Griarte na pawang mga residente ng Magallanes, Sorsogon.

Agad namang naisugod ang mga biktima sa pinakamalapit na ospital sa Lucena.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ang Sariaya police station ang bus driver.

Read more...