K-pop artist Tiffany, magkakaroon ng US debut kasama bagong English single

Credit: K-Pop Herald

Magkakaroon si K-pop star Tiffany Young ng US debut kasama ang kaniyang bagong English single na “Over My Skin.”

Batay sa ulat, ang naturang English debut track ay isinulat mismo ni Tiffany kasama sina Kev Nish at Rachel West.

Iprinoduce ang naturang kanta ng Far East Movement at Khwezi.

Nakatuon ang kanta sa womanhood at kasamang ipinakita ang kaniyang musical inspirations mula Western pop artists tulad nina Justin Bieber at Madonna hanggang sa kaniyang pinagmulan bilang isang K-pop artist.

Sa ngayon, kabilang na si Tiffany sa Paradigm Talent Agency kamsa ang ilang sikat na singer na sina Ed Sheeran, Jason Mraz at Coldplay.

Matatandaang dating miyembro si Tiffany ng all-girl korean group na Girls’ Generation.

Read more...