Maximum workweek sa SoKor, bumaba na sa 52 oras

Inquirer file photo

Mula sa 68 oras, pormal nang ibinaba sa 52 oras ang maximum workweek sa South Korea.

Ito ay tulungan ang mga residente na nagtatrabaho ng mahabang oras sa mga opisina.

Simula sa araw ng Linggo, July 1, epektibo na ang bagong batas kung saan maapektuhan ang business companies na may mahigit-kumulang 300 empleyado.

Sa ilalim ng batas, maaari lang magtrabaho ang mga empleyado ng 40 oras at karagdagang 12 oras para sa overtime sa loob ng isang linggo.

Sa mga kumpanya na pinagtatrabaho ng higit sa 52 oras kada linggo ang kanilang empleyado, posibleng maharap sa pagkakakulong ng dalawang taon o multa na aabot sa 20 million won o P958,810.02.

Ikinatuwa naman ng mga residente ng bansa ang pagpapatupad ng bagong batas.

Ang naturang batas ay ipinangako ni President Moon Jae-in sa mga residente ng bansa.

Read more...