Ikinalungkot ni dating Senador Juan Ponce Enrile ang pagbasura ng Sandiganbayan 3rd division sa motion for bail ng dati nitong chief of staff na si Gigi Reyes.
Si Enrile at Reyes ay kapwa nahaharap sa mga kaso kaugnay sa Pork Barrel scam.
Ayon kay Enrile, isang “unfortunate decision” ang inilabas ng korte, lalo’t inosente raw si Reyes mula sa mga akusasyon laban sa kanya.
Dagdag ni Enrile, pawang gawa-gawa lamang ang mga ebidensya laban kay Reyes.
Hindi aniya dapat magdusa si Reyes para isang bagay na hindi naman niya ginawa.
Sinabi pa ng dating senador na marami sa mga testigo ang nagpapalit na ng mga testimonya, dahil alam ng mga ito na siya at si Reyes ay mga inosente.
Banat ni Enrile, sinisira raw ba ang presumption of innocence ng tao sa ilalim ng Saligang Batas batay sa ebidensyang imbento o peke?
Pasarin din nito, anong klaseng hustisya ang mayroon sa bansa ngayon dahil sayang daw ang ginawa nilang rebolusyon para tumino ang bansa.