Higit P9M halaga ng marijuana, sinira sa Kalinga

Inquirer file photo

Sinira ang aabot sa P8.84 milyong halaga ng marijuana mula sa 16 plantasyon sa Kalinga province.

Ayon sa PDEA Cagayan Valley, sinunog ang 8,200 marijuana plants na nagkakahalaga ng P2.91 milyon sa dalawang plantasyon sa bahagi ng Barangay Loccong sa Tinglayan noong Biyernes.

Maliban dito, nasamsam rin ang 10 kilong marijuana stalks sa nasabing lugar.

Sa Buscalan naman, sinira ang 29,650 na marijuana plants na tinatayang aabot sa P5.93 milyon ang halaga sa 14 plantasyon, araw ng Sabado.

Isinagawa ang 2-day operation ng PDEA Ilocos, Cordillera at Cagayan Valley kasama ang Kalinga at Cagayan Valley police.

Hindi naman sinabi ng ahensya kung inaresto ang mga nagtatanim ng marijuana.

Read more...