Kevin Durant, bibisita sa Pilipinas sa July 8

Bibisita ang NBA superstar at Golden State Warriors forward na si Kevin Durant sa Pilipinas sa darating na July 8, 2018.

Noong 2011 ay dumalaw na si Durant sa Pilipinas para sa Smart Ultimate All Star Weekend kung kailan nakipaglaro siya ilang miyembro ng PBA at Gilas Pilipinas.

Pero sa muling pagpunta ni Durant sa bansa, may chance ang kanyang fans na makita at makausap siya ng personal.

Kabilang sa mga aktibidad sa bansa ni Durant ay meet-and-greet sa fans at training session sa Smart Araneta Coliseum kasama ang ilang piling grupo.

Si Durant ay itinanghal bilang 2018 NBA Finals MVP.

Magkasunod na taon ding wagi o champion ang kanyang koponang Golden State Warriors sa NBA.

Read more...