Catbalogan, Samar niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang Samar ngayong hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanoloday and Seismology o Phivolcs, naramdaman ang lindol kaninang 1:02 ng hapon, sa layong 47 kilometro Silangan ng Catbalogan, Samar.

May lalim itong 28 kilometro at tectonic ang origin.

Naramdaman ang Intensity IV sa Catbalogan, Eastern Samar habang Intensity II sa Palo, Leyte.

Sinabi ng Phivolcs na sa kabila ng lindol, wala namang naitala nasirang ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...