Dalawang ospital sa Maynila ang nagtala ng pagdami ng bilang ng mga pasyente na pinaghihinalaang may leptospirosis.
Minomonitor sa San Lazaro Hospital ang 35 na pasyente na may mga sintomas ng leptospirosis.
Bagamat dalawa lamang ang kumpirmadong kaso, ang ibang pasyente ay may sintomas na lagnat, pananakit ng katawan at pamumula ng mata.
Samantala, 9 na pasyente ang inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC) dahil din sa sintomas ng leptospirosis.
Ayon sa ospital, ang bilang ng kaso ng leptospirosis na naitala sa kalagitnaan ng 2018 ay lampas na sa buong record sa taong 2017.
Ang leptospirosis ay isang bacterial disease na nakakaapekto sa tao na may direktang contact sa ihi ng infected na hayop.
MOST READ
LATEST STORIES