Sa weather forecast ng PAGASA ngayong umaga huling namataan ang bagyo sa layong 700 kilometro Silangan Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay pa rin ng tropical storm ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 kilometro kada oras.
Kumikilos ang sama ng panahon sa direksyong Hilaga Hilagang-Kanluran sa bilis na 22 kilometro kada oras.
Magdadala ng pag-uulan ang trough ng bagyo at ang hanging habagat sa Luzon na makararanas ng maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay makaranas ng bahagya hanggang sa maulap na kalangitan na may paminsan-minsan lamang na pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms.
Samantala, maagang inulan ang Metro Manila at karatig mga lalawigan ngayong Linggo.
Naglabas ng Thunderstorm Advisory ang PAGASA alas-4:05 kanina kung saan ibinabala ang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Bataan at Bulacan.
Maaari itong tumagal sa susunod na tatlong oras.