Bumalik sa lupa ang rocket na pinalipad sa Japan anim na segundo matapos ang take-off nito.
Isang malakas at nagliliyab na pagsabog ang naganap matapos ang pagbagsak ng rocket na may pangalang MOMO-2.
Pinalipad ang rocket sa bayan ng Taiki sa Hokkaido, dulong-hilagang isla ng Japan.
Inaasahan sanang aabot ito ng 100 kilometro o 62 milya sa kalawakan.
Gayunman sa television footage, makikita na umangat lang ng kaunti sa lupa ang rocket bago muling bumagsak at nagresulta sa malakas na pagsabog.
Maswerte namang walang nasaktan sa insidente.
Humingi na ng paumanhin si Takahiro Inagawa, presidente ng Interstellar Technologies na siyang lumikha sa rocket at sinabing maaaring engine failure ang dahilan ng pagbagsak nito.
Aatasan anya niya ang kanyang grupo na kolektahin na ang debris upang imbestigahan ang pangyayari.