Sa 11pm weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 715 kilometro Silangan Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay pa rin ng bagyo ang hanging aabot sa 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 kilometro kada oras.
Bagaman hindi tatama sa kalupaan ng bansa, magdadala ang trough ng bagyo ng pag-ulan sa Northern Luzon.
Pinag-iingat ang mga residente sa Northern Luzon sa posibilidad ng pag-ulan at pagguho ng lupa lalo na ang mga nasa mabababang mga lugar.
Samantala, kumikilos pa Hilaga Hilagang-Kanluran ang bagyo sa bilis na 17 kilometro kada oras.
Ayon sa PAGASA, inaasahan itong lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) Linggo ng hapon.