Ayon kay Insp. Orlan Capili, Ilagan Police chief, bina-blackmail ni Private First Class Rene Cantomayor, nakatalaga sa 5th Infantry Battalion sa Isabela, ang kanyang dalawang ex-girlfriends na hindi nito alam ay magkakilala.
Sinabi ng isa sa mga babae na binantaan din siya ni Cantomayor na sasaktan siya kapag hindi siya pumayag na muling makipagtalik sa kanya.
Ang isa namang babae na kamakailan lamang nakipag-break sa sundalo ay muling humirit na makasama siya sa huling pagkakataon bago mare-assign sa Mindanao.
Nahaharap si Cantomayor sa kasong grave coercion at paglabag sa batas ukol sa violence against women.
Pwede rin itong makasuhan ng cybercrime dahil laman ng cellphone nito ang mga hubad na larawan at video ng dalawa nitong biktima.